Crime Prevention Week,ginunita sa Gapo
Ginugunita ng Olongapo City ngayong unang linggo ng Setyembre ang National Crime Prevention Week mula ika-1 hanggang 8 ng Setyembre.
Bilang pagpapahalaga sa Presidential Proclamation 461 na nagtatalaga sa unang linggo ng Setyembre bilang National Crime Prevention Week, pangangasiwaan ng Olongapo City Police Office (OCPO) sa inisyatibo ni Mayor Bong Gordon ang pagsasagawa ng mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon.
Sa ilalim ng temang “Crime Prevention: A Global Concern” at slogan na “Mapayapang Pilipinas, Masaganang Buhay”, ilulunsad ng OCPO ang mga aktibidad na higit na magbibigay kaalaman sa publiko patungkol sa kahalagahan ng pagsugpo ng krimen sa lipunan.
Sesentro sa public information campaign hinggil sa crime prevention ang mga aktibidad na isasagawa ng OCPO sa pakikipagkoordinasyon sa mga tanggapan tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), National Police Commission (NAPOLCOM), Department of Education (DepEd) at mga Non-Government Offices sa Olongapo.
Kaugnay pa nito ay makikilahok din ang OCPO sa mga inter-agency meetings kasama ang mga nabanggit na tanggapan para sa sama-samang pagdiriwang ng National Crime Prevention Week.
Samantala, upang mapaigting pa ang kaalaman ng publiko ukol sa pagsugpo ng krimen, maglulunsad din ang OCPO ng “barangay-ugnayan”, dialogues, at mga seminars and lectures on crime prevention sa tulong na din ng ilan pang anti-crime groups ng lungsod.
PAO/jpb

Labels: Ginugunita, National Crime Prevention Week, Olongapo City Convention Center
0 Comments:
Post a Comment
<< Home