Para sa masiglang turismo sa Gapo:Tourism Awareness Seminar, isinagawa
Nagsagawa ng Tourism Awareness Seminar and Strategic Planning ang Olongapo City Tourism Office nitong nakaraang ika-30 ng Agosto sa Olongapo City Convention Center.
Sa pangunguna ng City Tourism Office at sa patnubay ni Mayor Bong Gordon, dinaluhan ng mga kinatawan mula sa business sector ng Olongapo ang naturang seminar workshop.
Nagkaroon ng tatlong bahagi ang seminar na sumentro sa pagpapasigla ng turismo sa Olongapo.
Sa unang bahagi ay inilatag ng panauhing tagapagsalita na si Department of Tourism Regional Director Ronnie Tiotuico ang pangkasalukuyang lagay ng turismo ng Pilipinas. Sa bahaging ito ay nilinaw ni Director Tiotuico ang development ng turismo sa bansa mula 2004-2006.
Tinalakay naman ni Kgd. Gina Perez sa ikalawang bahagi ng programa ang lagay ng turismo sa Olongapo City. Kabilang sa mga napag-usapan ang ang mga existing tourist attractions ng lungsod, gayundin ang mga potensyal na lugar na mas magpapaigting sa sigla ng turismo ng dito.
Samantala, inilaan ang huling bahagi para sa isang strategic planning session. Sa pangangasiwa ni SBMA Tourism Consultant Nilo Agustin, nagkaroon ng forum kung saan ay inilatag naman ang mga kasalukuyang nakikitang suliranin at “threat” laban sa Olongapo tourism. Binigyang pansin din sa bahaging ito ang mga ipinagmamalaking produkto ng Olongapo gayundin ang mga stratehiya kung paano ima-market ang mga ito upang makaakit ng mas maraming turista at investors sa lungsod.
Ang naturang isang araw na Tourism Awareness Seminar and Strategic Planning ay inaasahan namang magbubunga ng mas masigla at produktibong turismo sa lungsod ng Olongapo.

Ang mga kinatawan ng business sector ng Olongapo sa ginanap na Tourism Awareness and Strategic Planning Seminar noong ika-30 ng Agosto 2007 sa Olongapo City Convention Center (OCCC). Nilalayon ng seminar na higit na mapasigla ang turismo sa lungsod.
PAO/jpb
Labels: isinagawa, Olongapo City Convention Center, Tourism Awareness Seminar
0 Comments:
Post a Comment
<< Home