Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, September 06, 2007

Triathlon ’07, suportado ng CityGov

Muling maglulunsad ng White Rock Triathlon – Long Distance Triathlon ang Extribe Inc. sa darating na ika-6 ng Oktubre.

Aabot sa 112 kilometers ang actual race kung saan mayroong 2km-swimming, 90km bicycling at 20km running na dadaan sa mga bayan ng Subic, Castillejos, San Marcelino, San Narciso, San Felipe, at Cabangan sa Zambales, Olongapo City, at hanggang Subic Bay Freeport Zone.

Kaugnay nito ay aasistehan ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Olongapo sa patnubay ni Mayor Bong Gordon ang pagsasagawa ng naturang event.

Suportado ng city government ang White Rock Triathlon 2007 sa pamamagitan ng Office of the Traffic Management and Public Safety (OTMPS), James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH), Disaster Management Office (DMO) at Public Affairs Office (PAO).

Pangangasiwaan ng OTMPS ang traffic control upang masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok at manonood kung saan magtatalaga ng motorcycle escorts, traffic aids/enforcers sa mga key areas na itatalaga naman ng mga race organizers. Aalalay din ang

tanggapan sa pagsasaayos ng permiso na maglalaan ng runners’ lane sa national highway mula White Rock Resort hanggang SBMA.

Makikipagkoordinasyon naman ang mga medical aides na ipapadala ng JLGMH sa mga lokal na ospital at klinika upang umalalay sa mga emergency situations. Samantala, magre-recruit ang DMO ng mga volunteers para tumulong sa mga aid stations sa bawat kilometro ng karera habang ipinalalaganap naman ng PAO ang mga anunsiyo at awareness campaigns ukol sa event bago ang itinakdang araw nito.

Tulad ng triathlon event na isinagawa ng Excribe Inc. noong nakaraang taon, ang White Rock Triathlon 2007 ay naglalayong i-promote ang isports at turismo sa lungsod.


PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012