Children’s Month, Ginunita sa ‘Gapo
Ipinagdiriwang ng Lungsod ng Olongapo City ang National Children’s Month ngayong buwan ng Oktubre.
Sa temang “Bright Child, Karapatan Nasa Iyo, Isigaw sa Buong Mundo”, pinangungunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang selebrasyon ng Children’s Month.
Suportado ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga aktibidad ng CSWDO kaugnay ng pagdiriwang sa pangangasiwa ng head nitong si Gene Eclarino.
Dalawang (2) araw ang ilalaan para sa showcase ng mga talento ng mga batang Olongapeño na magmumula sa limampu’t limang (55) day care centers sa lungsod.
Ang mga aktibidad tulad ng folk dance competition, poem writing, singing at poster making competition ay isasagawa sa ika-23 hanggang 24 ng Oktubre 2007.
Inaasahan naman na ang mga aktibidad kaugnay ng National Children’s Month ay makatutulong hindi lamang sa kalusugan kundi upang higit na mahubog ang mga angking talento ng mga bata sa lungsod.
PAO/jpb

Labels: Ipinagdiriwang, National Children’s Month, Olongapo City
0 Comments:
Post a Comment
<< Home