OLONGAPO CITY INTERNATIONAL HAVEN FOR MOVIE MAKING’’
Nananatiling paboritong lokasyon ng mga movie outfits, advertising agencies, production houses at TV stations ang Lungsod ng Olongapo sa pag-gawa ng pelikula, commercials at television specials.
Sa katunayan, nito lamang buwan ng Disyembre ay magsisimula nang gumiling ang kamera ng R.S. Video & Film Productions at ng isang independent movie outfit mula sa Sweden kung saan napiling kunan sa lungsod ang ilang mahahalagang eksena ng pelikula na may working title na ‘’Mammoth’’.
Sa briefing ay tinukoy ng location manager ng film production na si Chriz Soriano ang Rizal Triangle partikular na ang Rizal Monument, Afable St. sa East Bajac-Bajac at ang Landfill sa New Cabalan na tumugma sa kanilang gagawing eksena at location requirement. Nakatakda ang apat (4) na araw na location shooting sa lungsod nitong ika-4,12,13 at 15 ng Disyembre 2007.
‘’We are hoping that this venture will help promote Olongapo City as an international haven for movie making,’’ wika ni Soriano.
Ang ‘’Mammoth’’ ay storya ng isang Filipina teacher na tumungo sa America upang mag-trabaho bilang ‘’nanny’’ o ‘’yaya’’. Dito ay kinailangan niyang pansamantalang iwan ang pangangalaga ng kanyang mga anak sa piling ng kanyang ina sa Pilipinas.
Samantala, planchado na rin ang production ng ‘’Image Spin’’, isang Advertising/Production house na naatasang bumuo ng 30-seconder television commercial para sa isang automotive manufacturer company. Napili naman ng team ang kahabaan ng Kalaklan National Hi-way bilang location site sa dalawang araw (2) na shooting days sa ika-9 at 10 ng Disyembre 2007.
Magugunita na kamakailan lamang ay nauna nang nag-sagawa ng location shooting ang isang advertising group ng Isuzu Motors sa ilang lansangan ng lungsod para sa kanilang television commercial.
Inatasan na ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang ibat-ibang department concerns tulad ng Olongapo City Police Office (OCPO), Office of Traffic Management & Public Safety (OTMPS), City Public Affairs Office, Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) at ang Parks & Plaza Administrator upang mapanatili ang katahimikan, kaayusan at kalinisan ng mga gagamiting lugar.
Pao/rem
Labels: movie outfits, olongapo, paboritong lokasyon, television specials
1 Comments:
hi! do you know exact dates when "mammoth" will be filming in Subic Bay? thanks!
By Anonymous, at 12/21/2007 12:02 AM
Post a Comment
<< Home