Kagamitang Pang-opisina Para sa TODA at BPLD
Tumanggap ng karagdagang gamit pang-opisina mula kay City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang tanggapan ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) Zone-2 at Business Permit and Licensing Division (BPLD) nitong ika-28 ng Enero 2008.
Sa nakaraang flag raising ceremony ng mga city officials and employees sa Rizal Triangle Multi Purpose Center, personal na iniabot ni Mayor Gordon kay John Dais ng TODA ang isang unit ng advanced typewriter. Gayundin ay binigyan ng punong lungsod ang tanggapan ng Business Permit and Licensing Division sa pamumuno ni Neal Perez ng isang photocopier machine.
Nais ni Mayor Gordon na mapabilis pa ang serbisyo ng TODA at ng BPLD kung kaya’t binigyan niya ang dalawang tanggapan ng naturang mga kagamitang pang-opisina.
Pinasalamatan naman ng TODA at BPLD si Mayor Gordon sa kanilang natanggap na type writer at photocopier. Anila ay makatutulong ito upang mas mapagbuti pa ang kanilang paglilingkod.

Labels: BPLD, mayor gordon, TODA
0 Comments:
Post a Comment
<< Home