PESO at E-Telecare Job Fair
Magsasagawa ng eksklusibong job fair ang City Public Employment Services Office (PESO) sa pakikipagtambalan sa E-Telecare Global Solutions sa ika-17 hanggang 18 ng Enero 2008 sa Olongapo City Hall.
Iba’t ibang career opportunities ang hatid ng dalawang araw na job fair para sa mga job hunters sa lungsod. Ilan sa mga trabahong hatid ng job fair ay bilang Technical Support Representatives, Financial Customer Service Associates, Inbound/Outbound Sales Representatives, Inbound Travel Sales Associates at Customer Service Associates.
Bukod sa napakaraming oportunidad ay may pagkakataon din ang mga mapalad na matatanggap na aplikante na makapag-avail ng P20,000 relocation package ng kumpanyang E-Telecare. Mayroong iba’t ibang sites ang naturang kumpanya kabilang ang sa Libis, Shaw Boulevard, Makati, Alabang, Cebu, Davao at pinakabagong binuksan ang sa Clark Field, Pampanga.
Ang E-telecare Global Solutions ay ang kauna-unahang Philippine incorporated outsourcer na napahanay sa National Association of Securities Dealers Automated Quotation (NASDAQ). Magugunitang nakapagsagawa na rin ito ng job fair sa lungsod noong isang taon kung saan ito ay dinagsa ng napakaraming aplikante.
Para sa mga karagdagang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa PESO Office o tumawag sa telepono bilang 222-2553. Maaari ring mag-inquire sa pamamagitan ng text message. I-type lamang ang ETEL (space) MB (space) Name, Landline Number and desired position at i-send sa 2327 para sa mga Globe subscribers at 0917-8902327 para sa mga non-Globe subscribers. Bisitahin din ang kanilang website sa http://www.etelecarecareers.com/.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home