Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 13, 2008

SEMINAR ON GENDER SENSITIVITY

Patuloy sa mga ginagawang aktibidad ang Olongapo City Women’s Council sa pangunguna ni Olongapo First Lady at Zambales Vice-Gov. Anne Marie Gordon bilang council chair at City Councilor Ellen Dabu bilang council vice chair.

Matapos ang matagumpay na International Women’s Month parade at program noong ika-4 ng Marso, ‘’BUNTIS PARTY’’ noong ika-13 ng Marso at PAP Smear at Re-orientation ng 1st batch ng mga Barangay Officials kaugnay sa RA 9262, RA 9208, RA 9344 noong ika-11 hanggang 14 ng Marso ay naka-kasa na rin ang Re-orientation ng 2nd batch naman ng mga opisyales pam-barangay kaugnay pa rin sa mga batas pangkababaihan sa ika-25 ng Marso 2008.

Sa ika-27 ng Marso 2008 ay sasa-ilalim ang mga miembro ng Women’s Council, city department heads at ang Gender And Development (GAD) Council sa ‘’Gender Sensitivity in the Workplace’’ sa ika-27 ng Marso 2008, Function Room, Olongapo City Convention Center (OCCC).

Layon ng training na ipaalam at talakayin ang mga umiiral na batas kaugnay sa gender issues na nakaka-apekto sa work performance ng isang kababaihan. Pao/rem

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012