Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, April 03, 2008

‘’2008 FREE OPERATION TULI’’

Muling magtatambal sa annual summer program na ‘’Free Operation Tuli’’ ang Pamahalaang Lokal ng Olongapo sa pamumuno ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation sa pamumuno ng bagong presidente nito na si Chenee F. Hoya.

Inatasan ni Mayor Bong Gordon si SK Pres. Hoya at mga SK Chairmen nito na makipag-ugnayan sa kanilang nasasakupang barangay para i-anunsyo ang isasagawang pagtutuli o pagsusunat (circumcision) upang sa gayo’y mas maraming kalalakihan partikular na ang mga kabataan ang suma-ilalim sa programa.

Kaakibat rin ang City Population Office (POPCOM) sa pangunguna ni POPCOM Head Virginia Navarro gayundin ang mga doctors at medical staff ng City Health Office (CHO) sa pangunguna ni Dr. Arnildo Tamayo upang sila mismo ang magsagawa ng operasyon katulong ang ilang Red Cross Volunteers.

Target ng ‘’Free Operation Tuli’’ ang mahigit dalawang-libong (2,000) pasyenteng buhat sa labing-pitong (17) barangay sa lungsod na mabebenepisyuhan nito. Ang pondo para sa mga gagamiting gamot at medical supplies ay buhat sa SK at local fund.

Ito ay itinatakda tuwing panahon ng bakasyon sa paaralan ng mga estudyante upang sa gayo’y magkaroon ng sapat na panahon para sa healing period. Layon ng programa na hindi na magastusan ng malaki ang mga magulang sa mga pribadong doctor o klinika upang sumailalim sa pagpapa-tuli ang kanilang mga anak.

Nakatakdang isagawa ang ‘’Free Operation Tuli’’ sa mga sumusunod na schedules bawat barangay:

BARANGAY DATE

1. ASINAN APRIL 21, 2008
2. BANICAIN APRIL 22, 2008
3. BARRETTO APRIL 23, 2008
4. EAST BAJAC-BAJAC APRIL 24, 2008
5. EAST TAPINAC APRIL 25, 2008
6. GORDON HEIGHTS APRIL 28, 2008
7. KALAKLAN APRIL 29, 2008
8. MABAYUAN APRIL 30, 2008
9. NEW CABALAN MAY 05, 2008
10. NEW ILALIM MAY 06, 2008
11. KABABAE MAY 07, 2008
12.KALALAKE MAY 08, 2008
13. OLD CABALAN MAY 09, 2008
14.PAG-ASA MAY 12, 2008
15. STA. RITA MAY 13, 2008
16. WEST BAJAC-BAJAC MAY 14, 2008
17. WEST TAPINAC MAY 15, 2008

Ang bawat barangay ay tatanggap ng tig-isangdaang pasyenteng batay sa ‘’first-come-first-serve’’ basis, kaya ang mga nais mapabilang sa ‘’Free Operation Tuli’’ ay maaari nang tumungo at makipag-ugnayan sa City Population Office (POPCOM) na matatagpuan sa Ground Floor, Olongapo City Hall o tumawag sa 222-4003 o makipag-ugnayan sa inyong mga SK Chairmen at barangay halls para sa slot reservations. Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012