Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 07, 2008

GAPO, NANALO SA PACONTEST NG CIVIL SERVICE

Alinsunod sa selebrasyon ng ika-108 taong anibersaryo ng serbisyong sibil, umani ng parangal ang ilan sa mga city government employees sa ginanap na Jingle contest, at slogan writing contest na ginanap sa Iba, Zambales Gymnasium nitong Setyembre 30, 2008.

Tumanggap ng unang parangal sa slogan writing contest si Arseny Alano Brade ng city personnel office sa slogan na nagsasaad na Republic Service: “ Sandigan ng Bayan, Katuwang sa Kagipitan, Kasangga Magpakailanman.”

Nakatanggap ng cash award na tatlong libong piso (P3,000) at Plaque of Appreciation si Brade.

Samantala,nasungkit nina Ronald Manila, Arzeny Alano, Imelda Abad, Marlon Bravo, Rizalino Jose, Rinarose Cajudo, Rosalia Varias, Gloria Gonzalvo, Rowel Castillo, Arlene Dave at Israel Dimalanta ang ikatlong pwesto sa Jingle writing contest na ginanap din sa magkasabay na araw at lugar. Dalawang libong piso (P2,000) at Plaque of Appreciation ang natanggap ng grupo bilang papremyo.

“ Napakaganda ng layunin ng civil service, “highlighting individual and collective efforts to be responsive to people’s needs and enjoining civil servants to take pride in the nobility of their profession despite challenging times, kaya naman natutuwa ako dahil ang mga empleyado ng city government, pati na rin ang mga mamamayan ng Olongapo, ay nakikitaan natin ng pagpupursige at pagsisikap na makaahon sa hirap ng buhay ,” ani Mayor Gordon.

“Kaakibat nito ang pagbibigay ng mga kapaki-pakinabang na programa tulad ng HELPS para makatulong ng lubos sa mga mamamayan ng Olongapo,” dagdag pa ni Mayor Gordon.

PAO/nmm

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012