Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, March 06, 2006

itinalaga na ang mga bagong opisyales ng bsp james l. gordon council

Sa isang simpleng seremonya ay itinalaga na ang mga bagong halal na opisyales ng James L. Gordon Council – ang Boy Scout of the Philippines (BSP) unit sa Olongapo City – para sa taong 2006. Ginanap ito sa FMA Hall nitong Pebrero 16, 2006.

Sa muling pagkakataon, itinalagang Chaiman ng JLG Council si Mayor James “Bong” Gordon Jr. Kasama niya din sina dating Kgd. Gregorio Elane at Kgd. Edwin Piano bilang 1st at 2nd Vice Chairmen. Si Mayor Gordon din ang muling itinalagang Executive Vice Chairman ng Central Luzon Region.

Ibinigay sa bawat opisyales ang kanilang mga Commission Papers na pirmado ng Boy Scout of the Philippines National President na si Jejomar Binay. Ang naturang induction ay sinaksihan ng mga Boy Scout Officials mula sa iba’t-ibang Boy Scout Councils sa buong rehiyon.

Kasabay ng Induction Ceremony ay isinagawa na rin ang Regional Scout Committee Meeting upang pag-usapan ang mga plano at proyekto ng Boy Scouts para sa taong 2006.

Ang JLG Council ay gumawa na ng malaking impact at kontribusyon sa pagpapasigla ng Scouting sa Zambales at sa buong Rehiyon. Ang pagho-host ng Olongapo at SBMA sa katatapos na Joint Central Luzon and National Capital Region Jamborette noong Disyembre 2005 na dinaluhan ng mahigit 7,000 delegates ay isang patunay sa masiglang Scouting Movement sa lungsod.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012