‘GAPO PAMBATO NG GITNANG LUZON SA NATIONAL PEACE & ORDER AWARD
Dumating sa lungsod ng Olongapo ang tatlong (3) miembro ng validating team na nagsagawa ng on-the-spot inspection and evaluation para sa mga lugar na kalahok sa 2005 Best Peace and Order Council (POC)-Highly Urbanized City Category.
Ang Olongapo ay isa (1) sa anim na nominado sa prestiyosong award kasama ang mga lungsod ng Iligan, Davao, Naga, Bacolod at Makati. Dumating ang validating team sa lungsod nitong ika-11 ng Disyembre 2006 para sa tatlong (3) araw na validation.
Sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. kasama ang mga department heads ay isa-isang inilahad sa validating team ang mga detalye kaugnay sa presentasyon ng City Integrated Area/Community Public Safety Plan (IA/CPSP) ng lungsod para sa buong taon ng 2005.
Pinangunahan ang team ni Atty. Allan Montaño, chairman at National Vice President/Secretary-General ng Federation of Free Workers and Accredited Voluntary Arbitrator at Labor Relations Consultant na nagwikang, ‘’Sa aking palagay ay malaki ang laban ng Olongapo sa 2005 Best Peace and Order Council (POC)-Highly Urbanized City Category.’’
Kasama rin ni Atty. Montaño sina Dir. Edna Acosta ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Jimmy Zavalla ng Dept. of Interior and Local Government-Region III (DILG-R3) na tumungo sa tanggapan ng Olongapo-PNP, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at City Disaster Management Office (CDMO) at nagsagawa ng validation sa lahat ng mga accomplishments upang personal na makita ang kalagayan at paraan ng pagpapalakad ng mga nabanggit na tanggapan.
Matatandaan na pumasok sa top 5 ang Olongapo sa 2004 National Peace and Order Council Awards para sa kategoryang Highly Urbanized City sa kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang lungsod sa national level.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home