CALL CENTER COMPANY BILIB SA MGA APLIKANTE NG ‘GAPO
Sasa-ilalim na sa call center training ang dalawamput-walong (28) kabataang pumasa sa isinagawang Job Fair ng Public Employment Services Office (PESO) at ng Cyber City Teleservices, Phil., Inc. nitong ika-1 ng Septembre 2007 sa Gordon College.
‘’Kung ikukumpara sa ibang lugar na aming napuntahan upang magsagawa ng call center job interview na dalawa hanggang lima lamang ang qualified, dito sa Olongapo ay mahigit dalawampung kwalipikadong aplikante ang posibleng mapabilang sa aming kompanya,’’ wika ni Cyber City Director for Administration Alex Reyes.
Ang mga kabataang pumasa sa mahigpit at mabusising pamantayan ng mga top officials ng call center ay bibigyan ng pagkakataon na suma-ilalim sa tatlong (3) linggong call center set-up training sa Clark field, Angeles City para sa karagdagang assessment and evaluation.
Kabilang sa mga prebilehiyong matatanggap ng mga trainees habang nasa training ay libreng akomodasyon at transportasyon. Maaari ring tumanggap ng halagang labing-dalawang libong pisong (P12,000.00) sahod ang mga matatanggap sa unang ilang buwan ng kanilang pagta-trahabaho.
Matatandaan na sa inisyatibo ni Mayor Bong Gordon ay nagbigay ang City Government ng call center training na tinawag na ‘’Olongapo Call Center Excellence Training’’ (OCCET) bilang paghahanda sa mga Olongapeñong nais mag-trabaho sa mga call center companies sa bansa.
Dito ay tinututukan ang kanilang grammar, speech at communication capabilities upang higit na mahasa ang kanilang pakikipag-talastasan at orientation rin pagdating sa customer service, sales marketing, typing at foreign culture na mahalagang may kaalaman ang isang call center agent.

Isa sa matinding pinag-daanan ng mga aplikante ng isinagawang Job Fair ng Public Employment Services Office (PESO) at ng Cyber City Teleservices, Phil., Inc. ay ang interview. Dito ay sinubok ang grammar, speech at communication capabilities ng mga call center applicants nitong ika-1 ng Septembre 2007 sa Gordon College.
Pao/rem
Labels: call center training, dalawamput-walong, Job Fair, pumasa
0 Comments:
Post a Comment
<< Home