Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 04, 2007

MGA MAGNANAKAW NG KABLE NG KURYENTE, BINALAAN!

Ipinahayag ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga ginagawa ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo laban sa mga nagnanakaw ng kable ng kuryente sa lungsod.

‘’Sa tulong ng mga residente ay patuloy nating nilalabanan ang masamang gawi ng ilan na sangkot sa pagkawala ng mga kable ng kuryente. Prayoridad natin na lutasin ang suliraning ito dahil na rin sa perwisyong dulot nito sa supply ng kuryente sa lungsod,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Inatasan ng punong-lungsod ang Public Utilities Department (PUD) sa pamumuno ni PUD Head Engr. Louie Lopez na tiyaking mababantayan ang mga kableng ginagamit sa pamamahagi ng kuryente sa lungsod.

Katuwang ng PUD sa pagbabantay ang mga opisyales ng labing-pitong (17) barangay, Olongapo City Police Office (OCPO) at iba pang mga departamentong kabilang sa pag-imbestiga at pagsugpo sa nakawan ng kable.

Para sa mga sumbong at impormasyon kaugnay sa mga gumagawa ng pagnanakaw ng kable ng kuryente ay maaaring makipag-ugnayan sa Mayor’s Office sa numero bilang 222-2565, PUD sa numero bilang 222-3015/222-2659/222-3022, OCPO sa numero bilang 222-5731 o kaya’y sa inyong barangay hall.

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012