Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, October 11, 2007

Bakuna Kontra Tigdas

Magsasagawa ng “Door-to-Door Measles Elimination Campaign” ang City Health Office (CHO) ngayong Oktubre hanggang Nobyembre 2007.

Upang maisakatuparan ang adhikain ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. para sa maayos na kalusugan ng mga Olongapeño, buo ang kanyang suporta sa programang kontra-tigdas ng CHO.

Simula ika-15 ng Oktubre hanggang ika-15 ng Nobyembre 2007, magba-bahay-bahay ang mga kawani ng CHO upang magbigay ng libreng bakuna laban sa tigdas para sa mga bata sa Olongapo na may gulang siyam (9) na buwan hanggang apat (4) na taon.

Layunin ng programang ito ng CHO na masigurong ligtas ang mga batang Olongapeño laban sa sakit na tigdas. Ang bakunang ibibigay nito ay makatutulong upang palakasin ang Immune System ng katawan ng mga bata sa gayon ay maiwasan ang anumang panganib dulot ng tigdas.

Bukod sa bakuna ay mamimigay rin ang CHO ng libreng Bitamina A at gamot pampurga para sa mga bata.

Para sa mga nais mag-avail ng serbisyong ito, abangan lamang ang mga “Bakuna Doors” sa inyong lugar o kaya’y magtungo sa pinakamalapit na health centers.

PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012