Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, December 06, 2007

National Search for the Best Peace and Order Council

Bibisita sa Olongapo City ang Validating Team ng 2006 National Search for the Best Peace and Order Council – Highly Urbanized City Category sa ika-10 hanggang 13 ng Disyembre 2007.

Matapos mapagwagian ang Regional Search, sasailalim naman ngayon ang Olongapo City sa masusing ebalwasyon ng validating team para markahan ang lungsod sa national level.

Bagama’t handa ay todong preparasyon pa rin ang ginagawa ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon para sa nalalapit na evaluation. Kasama ng punong-lungsod sa mga paghahanda ang buong pwersa ng city government kabilang ang mga opisyal ng City Peace and Order Council, mga city department heads, city councilors at iba pang concerned officials.

Ayon kay Mayor Gordon, mahalagang maging handa ang buong Olongapo sa pagdating ng validating team upang sa gayon ay mapatunayan nito ang pagiging karapat-dapat sa titulong “Best Peace and Order Council” maging sa national level.

Samantala, sa pagdating ng team, unang susulyapan nito ang 2006 Accomplishment Reports ng mga government offices and agencies.

On the spot validation din ang isasagawa partikular sa Bureau of Fire and Protection, Sta. Rita Barangay Hall, Center for Women, Gordon Heights Barangay Hall at Sanitary Land Fill. Kasama pa sa mga bibisitahin ang West Bajac-Bajac Barangay Hall, City Environment and Natural Resources (CENRO), Olongapo City Police Office (OCPO), Olongapo City Jail, Barretto Barangay Hall, Barretto National High School, VMaT, OCARE, KBG Complex, City Mall at James L. Gordon Memorial Hospital.

Magugunitang kamakailan lamang ay nagwagi ang lungsod sa 2006 Regional Search for Best Peace and Order Council at makalawang beses na rin nitong nakuha ang parehong titulo para sa mga taong 2004 at 2005.

PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012