Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, December 06, 2007

WELDERS NG GAPO, IPADADALA SA AUSTRALIA

Dalawang daang (200) mga nakapasang welders ang ipadadala ng Lungsod ng Olongapo sa Australia sa pamamagitan ni City Councilor Edwin Piano at suporta naman ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr.

“I’m very glad that the welding training being provided by my administration through City Councilor Piano is bearing fruit as manifested by the employment opportunities, in both local and international arena, given to our former trainees,” pahayag ni Mayor Gordon.

Magugunitang marami na ang mga “former trainees” ng Welding Program ng Pamahalaang Lungsod, lalaki man o babae, ang nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa iba’t ibang kumpanya, sa ibang bansa man o lokal. 2058 sa mga “graduates” ng Mayor Gordon Welding Academy ang nagtratrabaho na sa Hanjin, ang itinuturing na pinakamalaking “ship building company” sa buong mundo.

Samantala, inihayag ni Mayor Gordon na maraming mga lokal na pamahalaan ang nagnanais magpadala ng kanilang mga constituents sa Olongapo City upang maging trainees ng Olongapo City Government’s Welding Training Program. Kaugnay nito ay hinikayat ni Mayor Gordon ang mga Olongapeño na magmadali sa pagpapasa ng kanilang aplikasyon upang maging “trainees” dahil na rin sa kagustuhan niya na tulungan muna ang kanyang mga kababayan bago ang iba.

Tuloy tuloy pa din ang pag-arangkada ng Welding Training Program ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa pamamagitan ni Kgd. Piano. Sa iba pang detalye ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ni Piano sa Sangguniang Panlungsod ng Olongapo City Hall o tumawag sa telepono bilang 224-8390 loc. 4229 0 4246.

PAO/jms



Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012