Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, December 06, 2007

WORLD AIDS DAY SA ‘GAPO

Matagumpay na isinagawa ng mahigit isang libong (1,000) Olongapeño sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang selebrasyon ng World AIDS Day nitong ika-1 ng Disyembre 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Sa pagdiriwang, ay nangibabaw ang kasuotan at pulang laso (red ribbon), ang kulay na sumisimbo na “wakasan na” ang pagkalat ng sakit na Acquired Immuno-Deficiency Syndrome (AIDS) buhat sa kinatatakutang Human Immuno-defiency Virus o HIV.

Upang higit na maiparating at maipa-alam ay tangan ng ilang mga participants ang mga posters na may nakasaad na ‘’TAKE THE LEAD…Stop AIDS, Keep the Promise’’ ang 2007 World AIDS theme.

Highlight rin ng selebrasyon ang pinangunahang candle lighting ceremony ni Mayor Bong Gordon na buhat sa malaking kandila ay ikinalat ang sindi nito sa mga maliliit na kandila na sumimbolo naman sa pakiki-isa ng Olongapo sa mundo sa pag-gunita sa mga namayapang biktima ng AIDS.

Pumukaw rin ng atensyon ang isinagawang Human Formation of Red Ribbon ng mahigit tatlong-daang (300) participants buhat sa ibat-ibang ahensiya, civic organizations at students na tatlong beses na binigkas ng malakas ang katagang ‘’STOP AIDS’’.

Pinangunahan ng Olongapo City AIDS Council(OCAC) sa pamamagitan ni Dra. Hally Andrada bilang Chairman nito ang selebrasyon.

Patuloy naman ang City Government at ang OCAC sa pagpapatupad ng mga programa kaugnay sa AIDS awareness and consciousness. Matatandaan na kamakailan lamang ay inilunsad sa FMA Hall ng City Hall ang kauna-unahang Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) Hotline na 224-2437 o 224-AIDS sa bansa.

Ang hotline ay bukas para sa mga residente ng lungsod na nais maka-alam ng mga detalye kaugnay sa AIDS at ilan pang impormasyon sa sakit na ito.

Pao/rem





Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012