Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 13, 2008

‘BUNTIS PARTY’, ISINAGAWA

Nagsagawa ng ‘’Buntis Party’’ ang Olongapo City Women’s Council (OCWC) sa pangunguna ni Olongapo City First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon nitong ika-13 ng Marso 2008 sa FMA Hall ng Olongapo City Hall.

Sa inisyatibo ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa pamamagitan ng Women’s Council, dinaluhan ng may sandaan at pitumpong (170) buntis mula sa labingpitong (17) barangay ng Olongapo City ang naturang ‘’Buntis Party’’ na isinagawa kaugnay sa pagdiriwang ng lungsod sa International Women’s Month.

Pinangasiwaan nina City Councilor Ellen Dabu, CSWDO Head Gene Eclarino, UNFPA Representative Belle Dado at ilang health experts ang mga pangunahing talakayan sa party na nagsilbi ring seminar para sa mga nagsidalong buntis.

Iba’t ibang kaalaman hingil sa pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga ng sanggol ang hatid ng ‘’Buntis Party’’. Kabilang dito ang Birth and Emergency Plan kung saan ay binigyang diin ang kainaman ng panganganak sa ospital o sa isang health facility sa halip na sa bahay lamang. Tinalakay rin ang paksang ‘’New Born Baby Screening’’ na nagbigay ng karagdagang mga kaalaman para sa mga first-timer mommies kung paano ang tamang pag-aalaga sa bagong silang na sanggol.

Binigyang focus din sa talakayan ang ‘’Family Planning’’ nang sa gayon ay maihatid sa mga nagsidalo ang kahalagahan ng birth spacing at pagpaplano ng pamilya.

Samantala, matapos ang mga talakayan ay nagkaroon ng open forum na nagbigay ng pagkakataon sa mga buntis na higit pang maunawaan ang kahalagahan ng kanilang kalusugan para sa kanilang isisilang na supling.

Bago matapos ang party ay namahagi ng ‘buntis kits’ ang mga kinatawan ng OCWC para sa mga nagsidalo.

Patuloy pa rin ang mga aktibidad ng OCWC para sa pagdiriwang ng International Women’s Month bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga kababaihan sa komunidad.

Ang mga nagsidalong buntis sa ginanap na Buntis Party ng Olongapo City Women’s Council nitong ika-13 ng Marso sa FMA Hall ng City Hall.

PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012