GAPO AT SBMA MAGKATUWANG SA PAG-UNLAD
Nagharap ang mga department heads ng Olongapo City at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa 2nd Consultative Meeting na isinagawa sa FMA Hall ng City Hall nitong ika-11 ng Marso 2008.
Pagsulong para sa mas maunlad na Olongapo at Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) ang pangunahing mga tinalakay sa naturang pulong. Kasama na rito ang ilang mga proyekto na pagtatambalan ng lungsod at SBMA.
Pinangunahan nina Mayor James “Bong” Gordon, Jr. at SBMA Administrator Armand C. Arreza ang naturang consultative meeting, kasama sina Vice Mayor Cynthia Cajudo at City Administrator Ferdie Magrata.
Una sa mga naging agenda sa pulong ang planong pansamantalang pagsasara sa motor vehicles ng SBFZ main gate bridge para sa napipintong re-konstruksyon nito. Tinalakay na rin ang posibleng pagbabago sa trapiko sa apektadong lugar oras na simulan ang naturang proyekto.
Sa halip na sa Ramon Magsaysay, malapit sa main gate ng Freeport ay malilipat ang loading at unloading area ng mga pampasaherong jeep sa harap ng James L. Gordon Memorial Hospital sa may Rizal Avenue.
Tinalakay rin sa pulong ang Joint Olongapo City –SBMA Environmental Project partikular ang posibilidad na pag-develop ng SBMA sa Olongapo landfill. Kolaborasyon naman sa pagitan ng lungsod at SBMA ang kasama pang pinag-usapan kaugnay sa road planning, expansion of SBFZ at preparasyon para sa nalalapit na Philippine Olympic Festival na gaganapin dito ngayong Abril 2008.
Naniniwala ang magkabilang panig na higit na iigting ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng SBMA at Olongapo kung magpapatuloy ang lalo pang tumatatag na ugnayan sa pagitan ng dalawa. PAO/jpb
Labels: arreza, Consultative Meeting, gapo, mayor gordon, sbma
1 Comments:
wow! glad to hear that our local government with SBMA...have thought about Olongapo landfill. I SOOO hope that this will not just be printed on paper and then be forgotten. Puwede ko bang sabihin:"ABA dapat lang, dahil malaki rin naman ang sinisingil na tinatawag na garbage collection mula sa mga residente.." hindi rin kaya, nararapat na magkaroon ng study ang namumuno sa sanitation ng olongapo o ang tinatawag na ESMO kung paano magiging maayos ang pag kolekta at pagdump nito?i have heard somewhere ..brgy. near UP Diliman, na may maayos na pangungulekta ng basura...kung saan, may additional na kita ang brgy. sa mga nakukulektang basura as told to me, maayos kasi ang segregation nila ng basura, at may group ng residente doon na renirecyle ang basura...kaya, nakapagbigay trabaho pa ang basura ng brgy nila sa ilang residente..another....I don't know if the officers of the city have even been to Olongapo landfill..sa ngayong Summer..sobra ang usok usok doon...hayy!ni minsan, hindi nagamit yung incinerator (as i recall, may incinerator doon,e donated by Japan pa nga ata...)at, i guess...napagpira piraso na ang makina at nawala ng parang bola..naka-ilang bisita din as i could recall si Mayor sa Japan.hindi ba't maganda ang waste disposal system nila doon? baka naman, meron din kapupulutan na aral from Japan regarding waste disposal na puwedeng i adapt..at isa pa, i believe, nararapat lang na may proper na kagamitan ang mga nagkukulekta ng basura natin pang protekta sa kanilang kalusugan...kaya sa namumuno ng ESMO, isa ako sa naniniwala na matagal ng panahon ng problema ito na nababalewala...hindi lahat ng lungsod ay may garbage collection, hindi po ba dapat may maganda proyekto kang naibigay para sa amin sa tagal ng panunungkulan mo? sana naman hindi pang personal na proyekto po ang naisagawa....paslala lang po,pag-aaral regarding sa task na na-aasign po sa inyo ang nararapat pong naisagawa dahil sa tax na ikinaltas sa amin na inyong pong sinasahod...hindi po personal na proyekto para sa pansariling kaunlaran..at ano mang magandang proyekto na maisagawa ay maganda repleksyon po ng inyong pamamahala...hindi ho ba, sa retirement ninyo, magandang maalala po kayo dahil sa magandang pamumuno kesya sa yumaman dahil sa kahina hinalang pamamaraan...?isa pa, ano mang ang maganda magawa ninyo sa inyong departamento, ay may contribution sa ikauunland ng Olongapo!..palala lang po...
By Anonymous, at 3/19/2008 10:27 PM
Post a Comment
<< Home