Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, April 03, 2008

GAPO, 1ST SA REGIONAL CUM MURAL PAINTING CONTEST

Nanguna ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO)-Olongapo City sa Cum Mural Painting Contest na isinagawa sa Covered Court ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office III sa San Fernando, Pampanga nitong ika-31 ng Marso 2008.

Sa suporta nina Mayor James “Bong” Gordon, Jr. at CSWDO Head Gene Eclarino, napagwagian nina Lemuel Calara, Larry Bustillos at Mary Ann Urbina ang unang puwesto sa Cum Mural Painting Contest na may temang “DSWD in the Eyes of the Disadvantaged Sector.”

Kasama ng mga nagwaging kabataan si Christopher Galgo ng CSWDO sa pagtanggap ng Certificate of Recognition mula kay DSWD Regional Director Miranda B. Brigoli.

Isinagawa ang naturang paligsahan kaalinsabay ng Regional Advocacy Forum on RA 9344 and RA 9442 na may kaugnayan sa selebrasyon ng Women with Disability Week.

Magugunitang sa bisa ng Proclamation No. 744 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong ika-6 ng Disyembre, 2004 ay ideneklara ang huling Lunes ng Marso na Araw para sa mga kababaihang may kapansanan.

Samantala, bilang paggunita sa Women’s with Disability Week ay pinangunahan ng CSWDO at Livelihood and Cooperative Development Office (LCDO) ang isang skills training program na isinasagawa sa Conference Hall ng City Hall nitong ika-31 ng Marso 2008.

Sa temang “Isang Gunting, Isang Suklay, Daan sa Kinabukasan” ay sampong (10) benepisaryo mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ang nabigyang pagkakataon na matuto ng basic haircutting upang magamit ito bilang pangunahing pagkakakitaan.

Ang naturang training ay bahagi ng maraming programa at serbisyo ni Mayor Gordon para sa mga kababaihan at person-with-disability (PWD)PAO/jms

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012