Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, April 03, 2008

MEDAL OF EXCELLENCE PARA SA 4 NA MAG-AARAL NG IRAM,

Tumanggap ng parangal mula kay Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang apat na kinilalang natatanging mag-aaral ng Iram Elementary and High Schools.

Sa nakaraang flag raising ceremony ng mga city officials at employees sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center, personal na iniabot ni Mayor Gordon ang mga Medal of Excellence kina Girlie Cambe (Valedictorian) at Kerwin Corales (Salutatorian) ng Iram High School at Denise Michaela Corales (Valedictorian) at Mary Jane Antonio (Salutatorian) ng Iram Elementary School. Ang naturang parangal ay simbolo ng pagkilala ng lungsod sa ipinamalas na husay sa pag-aaral ng mga istudiyante.

“The City Government of Olongapo recognizes the exemplary attitude of these students towards their academic endeavors. They are good examples for our youth to fight for excellence,” pahayag ni Mayor Gordon.

Samantala, inalok din ni Mayor Gordon ang apat na mag-aaral ng full scholarship sa Gordon College. Ayon sa punong lungsod, buong suporta ang ipinagkakaloob ng city government sa edukasyon ng mga kabataan sa lungsod lalo’t higit sa mga ‘deserving’ students tulad nina Corales, Cambe, Antonio at Corales.

Matatandaang ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon ni Mayor Gordon. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit isang libong (1,000) scholars ang lungsod na nag-aaral sa elementarya, high school at kolehiyo. Bukod sa scholarship grant ay patuloy pa ring umaalalay ang city government sa mga scholars nito matapos ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng employment assistance at opportunities.


MEDAL OF EXCELLENCE: Ginawad ni Mayor Bong Gordon ang Medal of Excellence kay Denise Michaela Corales (Valedictorian), isa (1) sa apat (4) na graduates ng Iram Elementary School. PAO/jpb

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012