souvenir shop handa nang umarangkada!
Matapos ang matagumpay na paglulunsad sa Gawang ‘Gapo Product Booth Exhibit, isa na namang livelihood project ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang binuksan sa lobby ng City Hall, ang Souvenir Shop.
Napuno ang kabuuan ng City Hall lobby nitong ika-22 ng Pebrero 2006 ng mga panauhing nais maging bahagi ng Grand Opening and Blessing ng Souvenir Shop.
Sa basbas ni St. Joseph Church Parish Priest, Rev. Fr. Virgilio Monje, Jr. ay magkatuwang na isinagawa nina Mayor Bong Gordon at First Lady Anne Marie Gordon ang makulay na ribbon cutting.
Maging ang ilang kagawad ng lungsod, department heads, government employees, barangay officials, bank managers, businessmen at mga NGO’s ay buong suportang naki-isa rin sa selebrasyon.
Ang Olongapo City Souvenir Shop ay base sa inisyatibo ni Mayor Gordon sa pamamagitan ng tanggapan ng Livelihood and Cooperative Development Office (LCDO) na lumikha ng macro at micro-businesses para sa mga residente ng lungsod.
Inaasahan na sa pamamagitan ng maliit na puhunan lamang ay maaaring maging daan upang magbigay inspirasyon sa nakakaraming residenteng ituon ang pansin sa pag-nenegosyo sa halip na sa pag-eempleyo.
Sa kanyang ibinigay na mensahe, ibinalita ni Mayor Gordon na bumilib si ALAGAD Party List Congressman Rodante B. Marcoleta nang minsang binisita nito Olongapo at nakita ang mga livelihood projects ng lungsod.
Ayon sa kongresista, nakiki-isa ito sa mga programang pang-kabuhayan ni Mayor Gordon at nakahanda itong magbigay tulong-pinasyal upang lalo pang lumawig ang naaabot ng mga livelihood projects ng lungsod.
Ngayon ay tiyak na may maiuuwing souvenir ang mga bumibisita sa City Hall dahil sa pagkakaroon ng souvenir shop.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home