10 OUTSTANDING STUDENTS OF OLONGAPO, PINARANGALAN NA!
Ang Search for the 10 Outstanding Students of Olongapo City ay isa nang institusyon dahilan sa ika-16 taon nang namimili ang Young Men’s Christian Association of Olongapo City (YMCA) at Department of Education (Dep-ED) upang parangalan ang pinakamagagaling na mag-aaral ng Lungsod ng Olongapo. Layunin nito na mahikayat ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang galing at talento at ang kakayahang mamuno at makisangkot hindi lang sa paaralan kundi maging sa lipunan.
Ang prestihiyosong Gawad-Parangal ay ginanap nitong Marso 23, 2006 sa Function Room ng Olongapo City Convention Center.
Ang Screening Committee na siyang nagsagawa ng masusing pagpipili ng naturang parangal ay sumuyod ng mga nominado sa lahat ng elementarya at sekondaryang paaralan sa lungsod, maging pribado man o pampubliko. Ang komite ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Dep-Ed, YMCA, Sangguniang Kabataan, Boy/Girl Scouts of Olongapo, at Sangguniang Panlungsod, at NGO’s. Naging batayan ng pagpipili ang academic excellence, leadership performance, good moral character at personality development.
Limang mag-aaral mula sa highschool at lima rin sa elementarya ang napili. Sila ay sina Clarence Joy Mendigorin (Olongapo City National High School OCNHS-ESEP), Yula Yzabelle B. Geniza (Mondrian Business High School), Rudy Esposo II (Barretto National High School), Jeddi Mae Valdez (St. Joseph College), at Rich Kayle Villanueva (OCNHS-SSC) sa Sekondarya; at sina Raissa Athena B. Ortiz (SPED-G), Danica Zarell L. Estrellado (Ilalim Elementary School), Christian James Alba (Mondrian Creative Montessori), Dominique Cesa (St. Joseph College), Paulo Francesco S. Barretto (SPED-G) sa Elementarya.
Ang Gawad Parangal ay higit pang pinatingkad nang bigyang panahon ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang pagbibigay ng mensahe at ang pagbibigay ng mga medalya at sertipiko sa mga pinarangalang mag-aaral.
“Kayo ang mga kabataang nagsasapamuhay ng slogan nating “Fighting for Excellence.” Nawa’y ang kagalingan ninyo ay ialay ninyo sa kapakinabangan ng ating lipunan, lalo pa’t higit para sa bayan,” mga iniwang salita ni Mayor Gordon sa sampung mahuhusay na mag-aaral ng lungsod.
Olongapo Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home