Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, March 06, 2006

31st foundation day ng day care centers, ipinagdiwang!

Isang masiglang pagdiriwang ng 31st Foundation Day ng Olongapo City Day Care Centers ang ginanap ngayong Pebrero 23, 2006 na nilahukan ng libu-libong mga estudyante nito sa buong lungsod.

Ang aktibidad ay sinimulan ng parada ng mga bata, kasama ang kani-kanilang mga magulang at mga Day Care Workers na nagsimula sa Marikit Park at tumungo sa Rizal Triangle Covered Court kung saan isinagawa ang programa.

Image Hosted by ImageShack.us

Nagpakitang-gilas ang mga bata na nakasuot pa ng iba’t-ibang makukulay na uniporme para sa kanilang “Calisthenics” performances sa saliw ng mga modernong tugtugan. Nilahukan ng 21 clusters o grupo ang paligsahan na hinusgahan ng mga piling hurado. Pinagwagian ng New Cabalan ang 1st Prize na tumanggap ng P3,000 cash prize. Sinundan naman ito ng Gordon Heights (2nd Prize), East Tapinac (3rd Prize), Pag-asa & Asinan (4th Prize), Mabayuan (5th Prize). Lahat ay tumanggap ng consolation prizes para pasalamatan ang galing at effort ng mga bata.

Ayon kay Gene Eclarino, City Social Welfare Officer, “mula 1975 ay kumakalinga na sa mga bata at katuwang ng mga magulang ang mga Day Care Centers, sapagkat pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan ang mga “formative years” ng bawat bata,” pahayag niya sa kanyang panimulang pananalita.

Nagpa-unlak din ng kanyang panahon si Mayor James “Bong” Gordon Jr. upang magbigay ng maikling mensahe sa mga bata. “Natutuwa ako sa sigla ng mga bata, dahil sa suporta ng kanilang mga magulang at sa masigasig na pagtuturo ng mga Day Care Workers natin. Dalhin ninyo ang siglang iyan hanggang sa paglaki ninyo at itanim ninyo habang bata ang pagiging “excellent” sa lahat ng inyong gagawin, dahil umaasa ang lungsod at ang bayan sa inyo,” paalala ni Mayor Gordon sa mga bata.

Ang Day Care Centers ay nagbibigay-serbisyo sa pamamagitan ng de-kalidad na pre-school education para sa mga batang may edad na apat hanggang limang taong gulang. Sa lungsod ng Olongapo, aktibo ang limampu’t-tatlong (52) mga Day Care Centers na matatagpuan sa 17 barangay ng lungsod. Idagdag pa rito ang 1 Child Minding Center na kumakalinga naman sa mga batang may edad na tatlo (3) pababa. Ang kauna-unahang mga Day Care sa lungsod ay nagsimula noong 1975 kung kaya’t isang milestone ang pagdiriwang ng ika-31 taon nito. Bukod pa dito, makailang-ulit ng nagbigay-karangalan ang aspeto ng serbisyong ito dahil sa pagwawagi ng Olongapo bilang “Most Child-Friendly City.”

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012