Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, March 06, 2006

panahon ng tag-init,pinaghahandaan na ng lungsod!

Ang buwan ng Marso ay itinalaga bilang buwan ng Fire Prevention Month sa buong bansa, at bilang pakiki-isa ng Lungsod ng Olongapo ay nagsimulang magpulong ang ibat-ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan kaugnay nito.

Sa pangunguna ng Olongapo City Bureau of Fire Protection (OCBFP) sa pamamahala ni Sr. Inspector Gary Alto at Disaster Management Office (DMO) Head Angie Layug sa atas ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr., unang linggo pa lamang ng Pebrero 2006 ay nilatag na ang mga plano ukol sa paparating na Fire Prevention Month.

Para sa taong ito, ang slogan ay ‘’Pamayanan Sama-sama Laban sa Sunog’’. Sisimulan ang Fire Prevention Month sa pamamagitan ng isang parada sa pagpasok pa lamang ng unang araw ng Marso.

Magsasanib pwersa ang lungsod at ang Subic Bay Freeport Zone sa gaganaping parada na kinalalahukan ng mga fire-trucks kasama ang mga streamers na may kaugnay na tema , bombero, barangay, city officials at NGO’s.

Ngayon pa lamang ay naka-porma na ang mga up-coming activities ng lungsod tulad ng three-day Basic Firefighting, Search and Rescue Training sa ika- 23 hanggang 25 ng Pebrero 2006 sa Olongapo City Convention Center.

Layunin ng training na maghatid kaalaman sa mga Fire-Rescue Volunteers at ibang ahensiya ng basic skills sa firefighting at rescue operation upang sa gayo’y handa ang mga ito sa pagsagupa sa anumang operasyon partikular na sa sagip-buhay sa panahon ng trahedya.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012