Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, March 06, 2006

resolusyon bilang pagtatanggol sa magiting na pulis ‘gapo

Sa isang urgent motion ay inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod nitong Pebrero 22, 2006 ang isang Resolusyon na humihiling sa Philippine National Police (PNP) Regional Director na ipagpaliban ang paglilipat kay Police Inspector Felipe Bolina, hepe ng Police Station 6 sa Bo. Barretto, Lungsod ng Olongapo.

Ang Resolusyon ay isanagawa bunsod ng insidenteng naganap nitong Pebrero 18, 2006 kung saan sumugod si Congresswoman Mitos Magsaysay sa Police Station 6 para sa isang “sorpresang inspeksyon”. Nag-alimpuyos umano ang galit ng kongresista nang makita nito na hindi nakakandado ang detention cell (kulungan), kung saan nakakulong ang dalawang akusado sa kasong drug pushing. Agaran niya umanong pinagsalitaan ang mga pulis ng mga akusasyong walang basehan, mapagkundena at pulos ispekulasyon laban kay P/Insp Bolina at Olongapo City Director Florencio Buentipo. Binantaan din niya na pananagutin niya ang mga ito sa PNP.

Nagpalabas naman ng isang Order ang Regional Director ng Region III ng PNP na lisanin ni Bolina ang kanyang pwesto sa Olongapo at magreport sa Camp Olivas ng walang anumang imbestigasyon o koordinasyon at abiso kay Mayor Bong Gordon na Chief Executive ng Lungsod.
Samantala, sa isang joint affidavit ni SPO3 Regino B. Del Rosario at PO2 Carlito M. Ballon Jr., mga pulis ng Police Station 6 na naka-duty sa oras ng insidente, kanilang isinaad ang mga salitang binitawan ni Cong. Mitos, na ayon sa kanila ay nagpahayag ng mga sumusunod:

“Hindi ninyo ginagampanan ang mga tungkulin ninyo. Kay Brian Gordon, takot kayo. Hindi ninyo alam na may iba pang nakapuwesto din dito sa Olongapo! Kung murahin kayo ni Brian, ganu’n na lang. Bakit hindi ninyo masita yung mga baril niya? Alam ba ninyo kung may mga lisensya ang mga iyon na gamit ng mga bodyguard niyang sibilyan? Wala na kayong kilala kungdi mga Gordon.”

Dagdag pa nila sa affidavit na kanilang isinumite, na nakasara naman ang selda bagamat hindi nakakandado sapagkat sa mga oras na iyon, ay “visitors’ time” at ang asawa ng isang nakakulong ay dumadalaw. Pakiwari ng mga pulis ay “politikal” lamang ang misyon ni Mitos sa ginawang “sorpresang pagbisita”.

Layunin ng Resolusyon ay mabigyan ng due process si P/Insp. Bolina. Sa naturang resolusyon, nagpahayag din ng tiwala at suporta ang Sangguniang Panlungsod kay P/Insp. Bolina bilang magaling na opisyales ng Kapulisan ng Olongapo.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012