Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, April 07, 2006

MGA NEGOSYANTE, KINONSULTA

Pinulong ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang mga negosyante ng lungsod upang talakayin ang mga Ordinansang ipinatutupad ng pamahaang lokal na may kinalaman sa kalakalan at upang makuha ang kanilang mga komento at reaksyon.

Nitong Marso 29, 2006 sa FMA Hall sa Olongapo City Hall, mahigit limampung mga negosyante, na pinangunahan ni Mr. Sammy del Rosario, head ng Olongapo City Business Association, ang nakipagpulong.

Isa sa mga tinalakay ay ang Pay Parking Ordinance, kaugnay na rito ang One-side Parking na ipinatutupad sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Drive (RM Drive) at ang pagtatalaga ng mga Parking Areas dito. “Ginawa natin ito para malunasan ang congestion ng trapiko sa bahagi ng RM Drive at nang sa gayo’y hindi maabala ang mga negosyo.”

Naging inter-active ang usapan at nabigyang pagkakataon na ipahayag ng mga negosyante ang mga hinaing at ang mga suhestiyon nila kay Mayor Gordon.

“Ang pagsasara ng ilang mga establisyimento sa lungsod ay nakakabahala. Kailangang magawan ng paraan kung paanong ang mga negosyo sa Olongapo ay kayaning makipagsabayan sa Subic Freeport. Kailangang magtulungan ang mga negosyante at ang pamahalaang-lokal,” komento mula sa mga negosyante na ipinahayag ni Del Rosario.

“Lahat ng inyong mga sinabi ay bibigyan namin ng atensyon. Ang pulong na ito ay naglalayong maging bukas ang ugnayan ng mga negosyante at ng pamahalaang-lokal.”

Pinahahalagahan ni Mayor Gordon ang mga lokal na negosyante sapagkat sa kanila nakasalalay ang ekonomiya ng lungsod, lalo pa’t sila rin ang nagbibigay ng hanap-buhay sa mga mamamayan ng lungsod.

Olongapo CIty Public Affairs Office

1 Comments:

  • dapat gibain nalahat ng builiding na sira sa olongapoat tayuan ng bago at dapat magkaroondindito ng7/11 at pizza hut.sanapagandahin pa lalo ni mayor bong gordonang gapo.concerned citizen

    By Anonymous Anonymous, at 4/13/2006 2:54 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012